Bata Kong Puso
Naisulat noong 13th ng Abril, 2014
"Bawat tao ay may karapatang umibig. Di ko naman lubos akalaing sa aking murang edad, mararamdaman ko na ang tinatawag nilang pag-ibig. Yung tipong kapag siya’y nasilayan ay may namumuong kilig sa buong katawan. Yung tipong sulyap niya lang, halos tunawin na ang buo kong kalamnan.
Ako’y nasa ikawalong baiting pa lamang. Kung iisipin ay napakabata ko pa para sabihing ang puso ko’y may tinitibok na. Sinasabi pa ng iba’y ito ay simpleng paghanga lang. Dati, oo. Naisip kong ang lahat ng ito ay paghanga lamang, na ang puso ko ay napakabata pa para sabihing ito ay nagmamahal na, na ang puso ko ay napaka-ignorante pa para umibig. Pero masasabi ko pa bang ito’y paghanga lang kung may kirot akong nadarama sa tuwing naiisip kong siya’y pagmamay-ari na ng iba? Na ang bata kong puso ay nanlulumo sa tuwing nalalaman kong di makawala ang anino niya sa nakaraan ng dati niyang kasintahan.
Marahil nga’y ang bata ko pa para maranasan ang lahat ng ito. Ang maging matalik na kaibigan ang pader. Ang pader na aking pinagtataguan para lamang siya ay lihim na masilayan. Ang maging ka-bonding ang kaisa-isa kong pitaka. Pitakang hindi pera ang laman kundi ang tanging litratong niya lamang.
Sa sitwasyon ko, sapat na ang Makita siya mula sa malayo. Sapat na ang pagtama ng aming mga tingin. Sapat na ang marinig ko ang magiliw niyang pagtawa. At bonus na kung mabigyan man ng pagkakataong makatabi siya sa bleacher tuwing may okasyon sa paaralan. Ngunit sa lahat ng naging sapat para sa akin, ‘di ko naman lubos akalaing mabibigyan pa ako ng jackpot. Ang jackpot na maging malapit at maging matalik siyang kaibigan.
Di ko naman naisip na may kaakibat ang bawat bonus na natatanggap ko. Di ko naman naisip na nag-iilusyon na pala ako. Isang araw, nakita ko na lang ang sarili kong ngumingiti ng peke sa harap ng taong lubos ko nang pinagkatiwalaan sa bata kong puso. Pekeng ngiti na ginawa kong instrumento para itago ang totoong sakit na nararamdaman ng aking batang puso. Nagka-ayos na sila ng dating kasintahan. Sila na ulit ng dating nakahiwalayan. At ang bata kong puso ay walang ibang magawa kundi itago ang pighating nararamdaman. Matapos ng mga rebelasyon niyang iyon, nagawa pa niyang magwika ng mga salitang hindi niya alam ay nakakapagpakirot na pala ng puso kong alam kong ang bata pa para maramdaman ang sakit na dulot ng pagmamahal. Akong ang unang naka-alam ng kanyang balita. Ako ang unang naka-alam na sila na ulit ng kasintahang nakahiwalayan. Ako ang unang naka-alam pagka’t isa ako sa mga taong pinapahalagahan niya. Ako ang unang naka-alam pagka’t isa na raw ako sa parte ng kanilang pamilya. Di man sa dugo, ngunit mabuting kapatid na raw ako para sa kanya.
Alam kong ang bata ko pa. Alam kong ang puso ko rin ay napakabata pa. Siya ay isang karanasan lamang. Gaya ng sabi ko, ako ay bata pa at makakahanap pa ng iba. Taong karapat dapat sa bata kong puso na minsan nang nag-ilusyon. Taong karapat dapat sa puso kong minsan nang tumibok. Taong alam kong iibigin ako’t iibigin ko rin. At higit sa lahat, taong alam kong may kakayahang isalba ang bata kong puso na minsan ay umibig na."
Ngayon ako'y nasa ika-labindalawang baitang na, at masaya akong ang bata kong puso ay nakahanap na sa wakas ng tagapagsalba. Ako'y masaya na, at pinapanalangin sa Panginoong sana, sa huli ay maging kami na nga.

opkors <3
TumugonBurahinHELAS
Burahin"Sana maging kami na nga." *crosses fingers*
TumugonBurahin:D
Burahin