Bata Kong Puso
Naisulat noong 13th ng Abril, 2014 "Bawat tao ay may karapatang umibig. Di ko naman lubos akalaing sa aking murang edad, mararamdaman ko na ang tinatawag nilang pag-ibig. Yung tipong kapag siya’y nasilayan ay may namumuong kilig sa buong katawan. Yung tipong sulyap niya lang, halos tunawin na ang buo kong kalamnan. Ako’y nasa ikawalong baiting pa lamang. Kung iisipin ay napakabata ko pa para sabihing ang puso ko’y may tinitibok na. Sinasabi pa ng iba’y ito ay simpleng paghanga lang. Dati, oo. Naisip kong ang lahat ng ito ay paghanga lamang, na ang puso ko ay napakabata pa para sabihing ito ay nagmamahal na, na ang puso ko ay napaka-ignorante pa para umibig. Pero masasabi ko pa bang ito’y paghanga lang kung may kirot akong nadarama sa tuwing naiisip kong siya’y pagmamay-ari na ng iba? Na ang bata kong puso ay nanlulumo sa tuwing nalalaman kong di makawala ang anino niya sa nakaraan ng dati niyang kasintahan. Marahil nga’y ang bata ko pa para maranasan ang lahat ng ito. Ang magin...
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento