Minamahal Kita
"Minamahal Kita" , isang awiting inawit ng Parokya ni Edgar na may kalakip na kwento sa likod ng bawat liriko nito. A fictional story. Tirik ang araw at tinatamad akong lumabas ng bahay. Sa kadahilanang wala nga naman akong magawa, napagdiskitahan ko ang isang photo album na nakahilata sa ilalim ng mesa na nakapwesto sa isang sulok ng aming sala. Unang bukas ko pa lamang ng unang pahina ng photo album, bumungad na sa'kin ang ngiti ni George. Nang makita ko ang larawang iyon, nahinuha ko agad na ito yung photo album na pinuno ni mama ng larawan naming dalawa, may ibang larawan rin namang nasali rito na sa aming magbabarkada na. Nasa mga anim na taong gulang pa siguro kami sa litratong yun. Ang lapad ng ngiti niya at kitang-kita ang bungal niyang ngipin na punong puno ng tsokolate. Nasa tabi niya ako sa litrato habang binubuhos ko sa bibig ko ang garapon ng tsokolate. Habang tinitingnan ko ang sumunod na pahina ng photo album, dun ko naisip na ang haba na pala ng p...